Used words
Bagong henerasyon makabagong tradisyon
Ngunit mga kabataan ngayon mistulang mahihinang lupon
Problemang kaharap tila sa kanila’y kay hirap-hirap
Kalungkotang dulot pagkitil sa buhay ang syang kanilang sagot
Kapasidad ng mentalidad ay kay daling rumopok
Ng di na makabangon sa lusak ng lungkot
Sa baluktot na pag-iisip isang kalituhan ang bawat kaganapan
Sa nakakandadong isipan bilanggo ng kalungkutan
Mga buhay na namuhay sa lihim
Nakakulong sa mundong walang pangalan
Sa mundo kung saan naghahari ang kaguluhan
Ang isyu sa kalusugan ng isip ay dapat rin nating pagtuonan
Bakit parami nang parami ang nagiging biktima
Nitong kalabang hindi makita-kita?
Sarado ang isipan ng karamihan sa problemang to ng lipunan
Iniisip na ito isa lamang kahibangan
Minsan pa nga ang katawagan ay kahinaan o kabaliwan
Sa halip na mag-alok ng tulong at suporta ginagawa pang isa biruan ng iba
Ngunit ang katotohanan ito’y nakababahalang lubosan
Lalo na sa kinabukasan ng ating mga kabataan
Na siyang nagiging biktima nitong sakit sa lipunan
Kailan ba mapagtutuonan ng pansin kailan bibigyan ng importansya
Kinakailangan nating sirain ang stigma
Maging bukas sana ang inyong mga mata
Tungkol sa kahalagahan ng kalusugang pangkaisipan
Ng sa gayo’y ito’y ating masulusyonan
Maging tanglaw tayo ng pag-asa
Para sa mga taong nahihirapan sa katahimikan
At makikinig sa mga nangangailangan
Kalusugan ng isip ay napakahalaga
Ng magkaroon ng direksyon ang bawat hininga
Kaya't magsama-sama tayo bilang isang komunidad
At suportahan ang isa't isa sa ating pinakamadilim na araw
.
"Tila
hinahayaang
ang
kadliman
syang
sumakop
Para
ba’gang
isang
tanikalang
sa
kanila’y
gumapos"
"Mag-alok
tayo
ng
tulong
Create your own